Everyday I do 60 minutes cardio, 90 minutes lifting weights, 30 minutes tummy exercises. And now my neck or ne-eck hurts more. Literally "lumalagatok". Bakit? Kelangan ko ba mag-warm up bago sumabak sa workout sa tingin ko naman ang cardio is considered as warm up na.

3 weeks nakong nagpapaka-healthy living. I see the effects na pero nababagalan ako pero ayoko naman mangdaya at gumamit ng kung ano anong artipisyal na bagay. Gusto ko ay natural.

3 weeks nako nagigising ng maaga for cardio. 3 weeks nadin sore ang muscles ko kakabuhat. 3 weeks nadin akong di kumakain ng kanin. 3 weeks nadin akong nag-cut down sa sweets. 3 weeks ko nadin pinaninindigan na di muna ko iinom kasi ang taas sa calories nun. 3 weeks nadin ako di naninigarilyo (hopefully tuloy tuloy na). 3 weeks nadin akong natutulog ng maaga.

Di yan reklamo. Pinamamahagi ko lang. Masaya ako kasi "healthy living" nako. Sa wakas!
Posted by chinochio on November 27, 2009 at 01:25 PM | ASSASINATE ME

Called Sun to ask how to text internationally.

Agent: Hi! Good morning. How can I help you?

Chi: Good morning. Tatanong ko lang kung pano magtext sa States?
Agent: May I know your name and number please.
(Since di siya tumigil kaka-english ginamit ko na ang call center accent ko)
Chi: 09227426523, my name is Chi.
Agent: What's your name again?
Chi: Chi, C-H-I.
Agent: Can you please repeat it.
Chi: Chi, C-H-I.
Agent: Is it CJ?
Chi: My name is Chi. Spelled as C-H-I.
Agent: Alright. CJ.
Chi: Again, my name is Chi and it's spelled as C-H-I.
Agent: Ow sorry. Ma'am Chi what's your concern again?
Chi: I'm just asking how to text internationally.
Agent: 00 plus 1 plus area code and the number.
Chi: Do I have to add the "+" sign before the number?
Agent: You can use "+1" and the number.
Chi: Thank you.
Agent: Is there anything else?
Chi: No. Thanks.
Agent: Do you know the rates?
Chi: No need. Thanks.
Agent: Thank you for calling.......
Chi: (Dropped the call while he's saying the closing spiel)

Pano naging CJ ang Chi?

Posted by chinochio on October 23, 2009 at 01:04 AM | ASSASINATE ME

TOP 5 REASONS NA...
(not in specific order)


SISTER-IN-LAW NA NAGDADABOG.

E.G. 
Naglalaro kami ni Polo, Rojan, Joy, Ron sa kwarto ng Wii at naka-aircon biglang may pumasok na sister-in-law sa kwarto at biglang sinabi "Bakit di mo pa inaakyat yun tubig? Iakyat mo na!" since di kame in good terms sakanya alam na namin na automatic para ki kuya ang mensahe na yun sabay biglang alis si sister-in-law at binagsaka ang door na nagresulta sa pagbagsak ng lamp. Amazing!

MGA TAONG DRAWING.

E.G. 
May tumawag sakin na friend may problema daw siya echos echos, sabi niya sakin puntahan ko daw siya sa bahay dal may problema siya tas comfort ko daw at miss na daw niya ko kuno.

Eksena:

Chi: Wala akong pera kung gusto mo punta ka dito at dito ka nalang matulog para di masayang pamasahe mo.
Friend: Wala akong pera e.
Chi: Okay! Ikaw bala. 
Friend: Sige babay na nga!
Chi: Bakit? 
Friend: Aalis ako.
Chi: San ka pupunta?
Friend: Sa tralala, susunduin si Echos.
Chi: Kala ko ba wala kang pera.
Friend: E sa tralala lang naman yun e. 
Chi: E mag-cab ka naman so ganun din gagastusin mo papunta dito.
Friend: Babay! 

Lesson learned: Wag makinig sa mga taong drawing!

MGA TAONG WALANG PAKISAMA.

E.G. Naghuhugas ako ng dishes ng bonggang bongga sa dame. Since task eto ni big sister aka mayor doma para sakin e go nalang. Bigalang.

Chi: *hugas hugas*
Sister-in-law: *kain ng bonggang bongga*
Chi: *hugas hugas padin sa bonggang bonggang dame ng hugasan*
Sister-in-law: *tapos na kumain at sumibat*
Chi: Ay tapos na si Kup! Walang binigay sakin mukhang hinugasan na.
Rojan: Sinong kumain dito Chi?
Chi: Si Kup! Bakit?
Rojan: Iniwan lang dito yun pinagkainan ng bonggang bongga, kala mo may longkatuts! At di manlang nilagyan ng tubig yun pitchel na pinaginuman niya. 
Chi: @1#$%^&= talaga niyang sister-in-law mo!

Lesson learned: Ang mga ogre ay hindi trained!

EPAL NA TAO.

Text message galeng sa epal na to da lab op mayn!
"Pssst! Twas nice seeing you last night. Inom inom tayo sa Quattro or kape. Hehehe"

EEEEPPPPPAAAAAALLLLLLL ka boy!

(Di ko na maalala ang exact words dal binura ko sa sa selpon ko!")

MGA YAYA NA PANG GAGO na may counterpart na  PAG GUSTO SUMAMA AYAW ISAMA AT PAG AYAW SUMAMA, PIPILITIN ISAMA. 

E.G. (sa unang reklamo)

Friend: Chi! Sama ka?
Chi: San?
Friend: Tomas! Kain tayo. 
Chi: Okay go! Anong oras? Sino sino tayo?
Friend: Andito na kame. Kumakain na. Sunod ka!
Chi: Ay sige! Next time nalang.

Lesson learned: Tama bang yayain ako e andun na pala sila? Pagdating ko dun e di uwian na dal tapos na sila kumain, e alam naman na taga bundok tralala ako! 

E.G. (sa pangalawang reklamo sa buhay, dalawang eksena pala to)

Eksena 1:
Chi: Kuya sama ako sanyo may bibilin lang ako.
Ron: E di pwede kasi echos echos.
Chi: E sige na. Sabay lang ako. Hiwalay nalang tayo dun. Kelangan ko lang talaga bilin.
Ron: Di pwede talaga kasi echos cheverloo!
Chi: Ay! Sige na nga. Bilin mo nalang for me. Bigyan kita pambili.
Ron: Ayoko!

Lesson learned: May mga taong wala talagang pakialam sakin.

Eksena 2: 
Ron: Gising na! Mag-grocery tayo.
Chi: Ayoko sumama. Saka napabili ko naman na yun kelangan ko.
Ron: Bumangon ka na nga jan! Mag-grocery nga tayo.
Chi: Ayoko nga sumama. Saka kasama mo naman na si Rojan at nanay, dito nalang ako sa bahay.
Ron: Isa! Bangon na sabi. Susuntukin kita!
Chi: Go! Pag gusto ko sumama ayaw niyo ko isama tapos etong antok na antok ako at ayaw ko sumama pilit mo kong pinapasama. Bweset!

Lesson learned: Malabo talaga ang utak ng mga nakakatanda. Specifically older than me 21 so 22 above ay malabo ang utak!

Posted by chinochio on March 23, 2009 at 12:08 PM | ASSASINATE ME

z, y, x, w, v, u, t, s, r, q, p, o, n, m, l, k, j, i, h, g, f, E


Lumabas na ang Ereaserheads sa entablado, si Buddy, Ely, Markus, Raimund, nagawawala na lahat ng tao at isa na si babe sa mga yun.


Ang mga naganap:

- Nagkita kame sa Gateway ng 3:30pm. (Dun din ang meeting place namin nun unang concert)

- Pumunta ng MOA na sobrang traffic at sobrang ineeet! Sa kahabaan ng EDSA nakikinig kame ng RNB.

- Naghanap ng parking at madaming parking di tulad ng Reunion concert na meron pang signage na "ERASERHEAD this way --->".

- Kumain kame at hinintay ang mga classmates ni babe kelangan ng mag-charge dal inisip namin na baka mahirapan nanaman kami sa pagbili ng inumin at kakainin.

- Pumunta na kame sa concert grounds, o yes! Wala ang OA na frisking at kung ano ano pa naisip ko sayang sana di ko tinapon yun kape kasi keri naman namin ipasok yun. (Dal sa sobrang luwag nakapagpasok ng DSLR ang isa sa mga classmates ni babe)

- One hour earlier kame. Naduduwal na ang lahat ng tao sa paulit ulit na pagsabi kung sino at ano ang mga sponsors. At nagkamali kame ang daming food. Sayang nga lang di ko nahanap yun booth ng bilihan ng beer dal sa sobrang daming tao.

- Lumabas na ang mga MTV VJs akala ng lahat ng tao, including me na magstart na, ngunit subalit datapawat di pa pala dal inulit nila ulit kung sino ang mga sponsors. Pero natuwa ako dal andun si Anne suot ang mamahaling Headband niya na pareho sila ni Paris Hilton. Tinanong din sila kung ano ang mga favorite songs nila ng Eraserheads at sabi ni Kat Alano "Ang favorite ko yun TUYANG".

- Nagpakita ng AVP ng Eraserheads. Panalo! Ang galeng. Yun lang ang masasabi ko.

- Nagstart na ang concert. MAGASIN ang first song. Lahat ng tao nagwawala. Di nga lang kasi powerful ng first song tulad ng sa Reunion concert.

- Kung di ako nagkakamali asa first set kinanta ang "HUWAG MO NG ITANONG by Markus" sobrang panalo tong kantang to reggae version at change of lyrics at panalo ang pagkakasabi niya ng "Walang katuturan" na very am-accent, anlikot pa ni Raimund. Loves it! Kinanta din ni Raimund ang ALKOHOL na isa sa mga peborit songs ko.

- Kinanta nila yun MINSAN na umiyak si babe at naging emosyonal. (Sayang wala akong picture nun)

- Other songs nagaganap dito... (Di ko matandaan sa sobrang dami)

- Second set na di ko maalala... Acoustic set na sila dito. Slow songs. At kyotness ng bahay bahyan nila.

- Basta kinanta nila ang ALAPAAP na tamad version na di ako natuwa, mas powerful ang ALAPAAP sa Reunion concert. Na-sad ako dito.

- May tribute din sila para sa Master Rapper na namayapa nun biyernes. Dapat ay meron siyang partisipasyon sa concert ngunit namayapa na siya. Sa napapanood ko, dapat gagawin niya via video ang SUPER PROXY. 

- Kinanta din nila ang parte ng KALEIDOSCOPE at tinapos na nila sa kantang EL BIMBO na sinunog nila ang Sticker Happy na piano na halos masunog nadin ang kamay ni Ely dal bibbo kid siya at may confetti at pyro sa likod na di mo tuloy alam kung san ka titingin pero ako pinili kong tumingin sa stage.

- Palabas na kame at bumibili ng tubig ng biglang may pahabol silang 3 songs. Yes panalo! Galeng sobrang natuwa ako. Tumalon lahat ng tao, nanginginig yun floor literal!

Tama si Mhelia, kame ang original survivors ng Reunion Concert at Final Set.

Gandang pabaon ang ginawa ng Eraserheads sa last 3 songs na yun! Galeng sobra saka ang pogi ni Raimund hahaha :)

Posted by chinochio on March 11, 2009 at 04:58 PM | ASSASINATE ME

Isang araw nung kolehiyo pa kami. Naglalakad kami ng prend kong si Nikka (Putla) at iba pang prend namin sa hagdan papunta sa room namin for Biology class ng naisipan kong laitin ang hand-sulat ni Nikka sa di ko maalalang dahilan.

Chi: Ano ba naman tong sulat mo ang chaka chaka!
Nikka: E ganyan ako magsulat e.
Chi: Chaka chaka chaka chaka chaka chaka chaka chaka!
Nikka: (Di na nagsasalita)
Chi: Chaka chaka chaka chaka chaka chaka chaka chaka!
Nikka: (Wala ng pakialam sa paulit ulit na sinasabi ko)
Chi: Chaka chaka chaka chaka chaka chaka chaka chaka chaka chaka chaka!

BIGLA AKONG NAWALA SA EKSENA...
MAY NARINIG NALANG SILANG...

Chi: (Dug-dugudug-dug-dug-dugudugdugdug-dug)
Nikka: O Chi anong nangyari sayo? Yan kasi kakalait mo sa sulat ko. Karma yan! Nahulog ka tuloy.
Chi: (Di na nagsasalita)

TINULUNGAN NILA AKONG TUMAYO DAL NAHULOG AKO AT GUMULONG NG ILANG STEPS.

Chi: Di ko na nga lalaitin yun sulat mo, buti nalang nakaboxers ako.

-THE END- 

I miss you Putla.
(Wala akong mahanap na picture na tayong dalawa lang)

Posted by chinochio on March 3, 2009 at 12:24 PM | ASSASINATE ME

It's a sunday and as every sunday goes I did the usual things I do which is sleeping, watching TV, reading, eating, pretty much I'm a bum. But I enjoyed this sunday even thou I'm a little off track.


At 8:00pm my mom called me and she told me that my favorite movie is on. Then I rushed to the sala and turned on the TiVo. Switched to Cinema One (yes baduy na but I'm a Cinema one fan) then WHEN LOVE BEGINS is on. Hahaha I watched the movie for atleast 10 times sa DVD then I watched it again sa Cinema One and the main reason is ang HOT HOT HOT ni Anne Curtis sa movie na yun. 


Hahaha see! She's really hot. Anyways I watched the movie at wala padin bago hahaha as if naman diba? Memorize ko na nga yun ibang lines nila.

Anyways, naligo ako after ko magwatch ng movie then nilambing ko yun pamankin ko na suklayan ako then he did tapos he left then I felt something odd sa buhok ko so I checked it tas after I did meron GLUE yun buhok ko. I ran after him siyempre nagtago sa lola, mautak na bata. BUKAS KO NALANG SIYA I-PUNCH NG SOLID. 

Posted by chinochio on February 23, 2009 at 12:44 AM | ASSASINATE ME
« Newer · »